Tuesday, March 24, 2009

Pambihira Ka Pinoy

Pambihira ka Pinoy!
Hanggang kailan magtitiis sa pangko ng gobierno,
Puwede ka namang umangat na huwag umasa dito,
Magsikap ka, kumayod maski magpakalayo,
Yun naman ang dapat, dahil yun ang parte mo...

Pambihira ka Pinoy!
Sa lahat ng bagay
Saan mang dako ng mundo dala mo ang tagumpay
Nakakalungkot lamang isipin na kung kailan ka mamamatay
Tsaka ka gagawaran ng medalya ng Pangulong lustay..

Pambihira ka Pinoy!
Yabang mo'y sa lahat ng dako
Sa isip wala ka, sa salita diyan ka panalo
Pagdating sa usapan, dami mo ng alburuto
Wala ka naman pala, pinaasa lang ibang tao..

Pambihira ka Pinoy!
Pambihira kang talaga!
Lumakad ka, umusad ka
Huwag kang puro ngawa..

Sige ihakbang papalayo ang mga paa
Sa daan ng pagbabago, tahakin mo na..

Pambihira ka Pinoy!
Puro ka na lang reklamo
Magsumikap ka, kumayod ka para ulam mo'y di laging tuyo
Huwag ka ng umasa na ang gobierno'y tutulong sa 'yo..
Tignan mo ang paligid mo meron bang pagbabago?

Pambihira ka Pinoy!
Di mo pa rin ba kuha ibig kong sabihin?
Na bumangon ka at sa sarili mo, panalangi'y kamtin..
Huwag ka ng magpaliguy-ligoy at buhay mo'y ayusin
Dahil walang tutulong sa'yong iba kundi sarili mo lang din..

Pambihira ka Pinoy!
Pambihira ka talaga!